Sawa ka na ba
sa paulit ulit na sermon sa iyo?
“Paggising sa umaga sermon
ang almusal Bago pumasok sa eskwela Kapag
nangangatwiran Ako'y pagagalitan 'Di ko alam ang gagawin Ako'y sunud-sunuran Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin”. Ayon sa kanta ni Freddie Aguilar, marami tayo
nakakaunawa dito sa kantang ito!!
Tingin mo ba
hindi ka mahal ng magulang mo?
Kamusta! mga kaibigan, ang gagawin ko sanang blog ay patungkol sa “Kung bakit masaya
maging bata” ngunit sa kasamaang palad(na naging mabuti rin), habang ako’y
gumagawa bumagyo dito sa aming tahanan ng sermon ng aking ina dahil hindi ako
nakatulong sa gawaing bahay at dahil dito hindi ako makapagpokus ng maayos, kung
kaya’t napagisip-isp ko bakit hindi nalang ako gumawa ng blog patungkol dito.
Ang mga
bibig na nagiging minigun sa bilis at sakit ng mga bala nito
Karamihan sa atin mga kabataan naiirita, nababadtrip at nababaliw sa mga sinasabi
ng ating magulang sa atin kapag tayo’y pinapagalitan (wag kayo mag alala halos
lahat naman tayo eh). Hindi natin maikakaila (kung mas matindi) ang galit at
puot na nararamdaman natin kapag tayo’y napag sasabihan ng masasakit na salita.
Dito nagsisimulang pumasok sa ating isipan “Mahal
ba ako ng magulang ko?” o kaya naman “Baka
ampon lang ako”. Napapakanta nalang tayo ng Estudyante Blues at pupunta sa parte ng bahay kung saan walang tao
at walang giyerang nagaganap at magpapalamig muna sa tindi nang bakbakan.
Pagmamahal
daw ang kanilang ipinapakita
Palaging
sinasabi ng ating magulang na pagmamahal daw ang pinapakita nila sa atin ngunit
marami ang hindi nauunawaan ang pagmamahal na sinasabi ng kanilang magulang(kabilang
ako doon dati). Bakit nga ba nila nasasabing pagmamahal ang kanilang
ipinapakita? Sakit lang naman sa tainga at damdamin ang binibigay nila eh-wika
nang nakararami.
Ano nga ba
ang ibig sabihin nila?
Sabi nila “actions speak louder than words” tanong ng mga bata “bakit pinapalo nila ako?” ibig
sabihin ba nito galit sila sa akin?
Hindi, isipin mo nalang ganito- isa kang batang gustong
kumain ng bubog dahil maganda siya sa iyong paningin at pinigilan ka ng
magulang mo at sinabi sa iyo huwag mo kainin yan matutusok ka. Ngunit hindi ka
parin nakinig dahil maganda siya tignan at wala naman silang ginawa sa iyong
maaalala mo para pigilan ka, susubukan mo nanamang kaiinin ito at nakita ka ng
magulang mo pinalo ka ng malakas at pinagalitan at nasaktan ka dahil doon hindi
mo na uulitin ang ‘yong pagtangkang pagkain dito dahil alam mong may palong
nakaabang kapag susubukan mo pa ulit.
Ganoon din sa atin kahit hindi natin sila maintindihan,
inuunahan na nila tayong saktan upang matandaan natin na hindi maganda ang
binabalak natin. Kumbaga sinasaktan na tayo agad bago pa tayo masaktan ng
matindi o mapahamak dahil pinabayaan tayo. Yun ang kanilang pagmamahal, ayaw
nila tayong mapahamak kaya nila tayo inuunahang pagalitan.
Mapalad ang
mga napapalo at napapagalitan
Hindi lahat ngunit madami-dami rin. Kahit tanungin niyo pa
ang mga matitinong nakatatanda sila’y napapaulanan din ng bala, nakaranas ng
giyera at nakarinig na nang pekeng minigun mula sa kanilang magulang, tignan
niyo ang kanilang kabutihang asal at ikumpara ito sa mga hindi pinakialaman ng
kanilang magulang. Pagtatatuwa(disclaimer) lang hindi ko sinasabing lahat ng mga hindi napalo
o napagalitan ng magulang ay lumaki nang di matino, mayroon ding ibang taong
lumaki na hindi nakaranas ng giyera(palo, sermon at iba pa) at sila’y mayroon
ding kabutihang asal, at ganoon din sa mga napalo hindi lahat ay lumaki ng
matino.
Bumawi ka sa
kanila!
Ngayong alam mo na kung bakit ka nila nasasaktan panahon na
para bumawi ka sa kanila, hindi ko tinutukoy ang pagganti mo sa kanila gamit
ang paghampas din sa magulang mo, humingi ka ng tawad sa kanila kung may mali
kang nagawa, sabihin mo kung gaano mo sila kamahal at ngayon naunawaan mo na
kung bakit ka nila pinagsasabihan. Panahon na para itama mo ang iyong
pagkakamali, palagi niyong tatandaan kapag kayo’y pinapagalitan tanggapin niyo
lang at sumunod kayo dahil sa huli para rin iyon sa inyong ikabubuti.