Miyerkules, Marso 15, 2017

Mahal pa ba ako ng magulang ko???

Sawa ka na ba sa paulit ulit na sermon sa iyo?
“Paggising sa umaga sermon ang almusal Bago pumasok sa eskwela   Kapag nangangatwiran Ako'y pagagalitan 'Di ko alam ang gagawin   Ako'y sunud-sunuran Ayaw man lang pakinggan Nasasaktan ang damdamin”. Ayon sa kanta ni Freddie Aguilar, marami tayo nakakaunawa dito sa kantang ito!!
Tingin mo ba hindi ka mahal ng magulang mo? 

Kamusta! mga kaibigan, ang gagawin ko sanang blog ay patungkol sa “Kung bakit masaya maging bata” ngunit sa kasamaang palad(na naging mabuti rin), habang ako’y gumagawa bumagyo dito sa aming tahanan ng sermon ng aking ina dahil hindi ako nakatulong sa gawaing bahay at dahil dito hindi ako makapagpokus ng maayos, kung kaya’t napagisip-isp ko bakit hindi nalang ako gumawa ng blog patungkol dito.

Ang mga bibig na nagiging minigun sa bilis at sakit ng mga bala nito

Karamihan sa atin mga kabataan naiirita, nababadtrip at nababaliw sa mga sinasabi ng ating magulang sa atin kapag tayo’y pinapagalitan (wag kayo mag alala halos lahat naman tayo eh). Hindi natin maikakaila (kung mas matindi) ang galit at puot na nararamdaman natin kapag tayo’y napag sasabihan ng masasakit na salita. Dito nagsisimulang pumasok sa ating isipan “Mahal ba ako ng magulang ko?” o kaya naman “Baka ampon lang ako”. Napapakanta nalang tayo ng Estudyante Blues at pupunta sa parte ng bahay kung saan walang tao at walang giyerang nagaganap at magpapalamig muna sa tindi nang bakbakan.

Pagmamahal daw ang kanilang ipinapakita

Palaging sinasabi ng ating magulang na pagmamahal daw ang pinapakita nila sa atin ngunit marami ang hindi nauunawaan ang pagmamahal na sinasabi ng kanilang magulang(kabilang ako doon dati). Bakit nga ba nila nasasabing pagmamahal ang kanilang ipinapakita? Sakit lang naman sa tainga at damdamin ang binibigay nila eh-wika nang nakararami.

Ano nga ba ang ibig sabihin nila?

Sabi nila “actions speak louder than words” tanong  ng mga bata “bakit pinapalo nila ako?” ibig sabihin ba nito galit sila sa akin?
Hindi, isipin mo nalang ganito- isa kang batang gustong kumain ng bubog dahil maganda siya sa iyong paningin at pinigilan ka ng magulang mo at sinabi sa iyo huwag mo kainin yan matutusok ka. Ngunit hindi ka parin nakinig dahil maganda siya tignan at wala naman silang ginawa sa iyong maaalala mo para pigilan ka, susubukan mo nanamang kaiinin ito at nakita ka ng magulang mo pinalo ka ng malakas at pinagalitan at nasaktan ka dahil doon hindi mo na uulitin ang ‘yong pagtangkang pagkain dito dahil alam mong may palong nakaabang kapag susubukan mo pa ulit.
Ganoon din sa atin kahit hindi natin sila maintindihan, inuunahan na nila tayong saktan upang matandaan natin na hindi maganda ang binabalak natin. Kumbaga sinasaktan na tayo agad bago pa tayo masaktan ng matindi o mapahamak dahil pinabayaan tayo. Yun ang kanilang pagmamahal, ayaw nila tayong mapahamak kaya nila tayo inuunahang pagalitan.

Mapalad ang mga napapalo at napapagalitan

Hindi lahat ngunit madami-dami rin. Kahit tanungin niyo pa ang mga matitinong nakatatanda sila’y napapaulanan din ng bala, nakaranas ng giyera at nakarinig na nang pekeng minigun mula sa kanilang magulang, tignan niyo ang kanilang kabutihang asal at ikumpara ito sa mga hindi pinakialaman ng kanilang magulang. Pagtatatuwa(disclaimer) lang  hindi ko sinasabing lahat ng mga hindi napalo o napagalitan ng magulang ay lumaki nang di matino, mayroon ding ibang taong lumaki na hindi nakaranas ng giyera(palo, sermon at iba pa) at sila’y mayroon ding kabutihang asal, at ganoon din sa mga napalo hindi lahat ay lumaki ng matino.

Bumawi ka sa kanila!


Ngayong alam mo na kung bakit ka nila nasasaktan panahon na para bumawi ka sa kanila, hindi ko tinutukoy ang pagganti mo sa kanila gamit ang paghampas din sa magulang mo, humingi ka ng tawad sa kanila kung may mali kang nagawa, sabihin mo kung gaano mo sila kamahal at ngayon naunawaan mo na kung bakit ka nila pinagsasabihan. Panahon na para itama mo ang iyong pagkakamali, palagi niyong tatandaan kapag kayo’y pinapagalitan tanggapin niyo lang at sumunod kayo dahil sa huli para rin iyon sa inyong ikabubuti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento